Weblog
Thursday, 27 March 2008
-

Currently Listening
Over You
By Daughtry
Over you
see relatedA tagalog novel I started..
I'm not so sure if I should do this, but this for you. You were kind of my inspiration... Maybe someday when we're both ready, we can be friends again.. right? n_n/
---0000---
Date: 28 March 2008
Title:
Main Characters: Derek Mijares
Roschi Danares
Sub= Adine Santos
Sub= Carlo Manatad
Sub= Kevin Rosales
** to be continued**
Chapter 1:
“Doktora, may naghahanap po sa inyo sa labas.”
“Alice, sandali lang kamo, nawawala yung phone ko…”
Tuluyan ng pumasok si Alice sa kwarto at tumigil sa harap ng desk ng kanyang amo. Hindi pa rin ito magkanda-ugaga sa kakahap ng cellphone nito at halata sa itsura nito na ilang minuto na ito naghahaluhog sa mesa.
“Eh doktora, ako na lang po ang maghahanap, kung gusto niyo. Kanina pa po kasi naghihintay sa labas yung bisita niyo eh.”
Tumigiul ito sa panggugulo sa ibabaw ng mesa nito at tinignan siya ng mataman. Nakakatakot talagang tumingin ang amo niiyang ito. Isang taon na siya sa pagiging sekretarya nito pero hindi pa ri talaga niya maiwasang hindi mangilabot sa tuwing tititigan siya nito. Para kasing tumatagos sa buto kung makatingin ito.
“Kanina pa? What do you mean? May appointment ba? Bakit wala kang sinabi sa’kin kaninang lull?”
Sa sunod sunod na tanong nito, muntik na siyang hindi sumagot dahil hindi niya alam kung ano ang uunahin. Ganyan talaga ito kung magtanong minsan, parang bullet ng armalayt.
“Eh doktora—ahm, mga tatlong oras na po siya nakaupo sa labas. Ay, ahm, dapat po talaga sasabihan ko kayo lang sabi po ni sir—”
“Sir?!”
Halata sa mukha nitong nagulat ito. Isa sa mga bagay na hindi mo madalas makikita rito lalo pa’t parang robot ito madalas dahil wala man lang ni kaunting emosyon ang makikita sa mukha nito. Pwera na lamang sa tuwing mga bata ang kasama nito.
“Yes, ma’am. Ang sabi po kasi niya—”
“Ano raw ang pangalan?”
“Eh ma’am, ayaw nga pong ibigay eh… basta kakilala niyo raw po siya.”
“Ano?” tila may bahid na inis na sabi nito. “Sige na, sige na. Bahala na, lalabas na’ko kamo.”
“Yes, doktora.”
“Wait,” pigil nito kay Alice bago pa nito mapihit ang seradura ng pinto. “Tumawag na ba si Kev?”
Lihim na napangiti si Alice. Gaano man kairita o kabusy ang boss niyang ito, palagi pa rin talaga niyang naaalala ang nobyo.
“Yes, ma’am. Hindi na po niya kayo pinaistorbo kanina dahil marami kayong pasyente, pero ang sabi po niya susunduin daw po niya kayo.”
“O sige, susunod na lang ako. Please entertain the visitor.”
“Yes, ma’am.”
Hindi mapakali si Roschi pagkalabas ni Alice. Hindi dahil sa hindi pa rin niya Makita ang peste niyang parang may paang palaging nawawalang cellphone kundi dahil sa naghihintay sa kanya sa labas.
Hindi naman sa kakaiba ang pagkakaroon niya ng bisita kung hindi dahil may kakaiba siyang nararamdaman tungkol sa tao sa kabilang kwarto. Noong sinabi ni Alice na ayaw magpakilala ay bigla na siyang kinutuban at bumilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi niya maintindihan pero alam niyang may malaking sorpresa na naghihintay sa kanya sa labas ng kanyang opisina. Parang—
Don’t go there, Rosch. Alalahanin mo si Kevin.
Sa kaisipang iyon, napahugot siya ng malalim na buntong hininga. Sa lahat ng bagay, mahalagang bigyan niya ng pansin si Kev ngayon. Utang niya iyon rito. After so many years.
May narinig siyang tumutunog.
Cellphone ko iyo, ah.
Nagmumula ang tunog sa ilalim ng throwpillow sa may loveseat sa right corner ng opisina niya. Noon lang niya naalala, ibinaba nga pala niya roon ang phone niya noong pumasok si Abigail, ang maliit na batang bago niyang pasyente.
“Hello?” tanong niya agad pagka-on sa call button ng hindi pa tinitignan ang screen.
“I love you, tol,” sabi agad ng lalaki sa kabilang linya.
Napangiti siya. Ngiting hindi niya malaman kung masaya ba o malungkot.
“Same here,” natawa siya ng pahaw. “I thought susunduin mo na ‘ko?”
Bumuntong hininga ito. “Yeah… kaso naipit pa ako dito sa traffic, would you please wait for me there? I’ll be there in thirty minutes max.”
“Sure. Anyway, may bisita sa labas. So, hindi naman siguro ako masyadong maiinip.”
“Ganun ba,” tila nanlolokong sabi nito. “Baka maya-maya niyan pinagpapalit mo na pala ko sa bisita na yan ah.” Pagkatapos ay tumawa ito ng pagkalakas-lakas.
“Ha-ha. Tawa ka diyan. Patulan kita diyan, eh!” balik niya rito na kunwari ay napipikon. Ngunit tumawa lamang ito ng malakas.
“You won’t, honey. Love you. Wait for me.”
Tinignan niya ang screen ng phone niya. Binabaan na siya nito.
Ang lalaki talagang iyon, naku!
“Sir, lalabas na po si doktora niyan, pakihintay na po.”
Ngumiti lamang ito at tumango. Naisip tuloy niya, ang weird talaga ni Dr. Roschi. Siya walang emosyon. Yung mga kakilala nito kung hindi madaldal, ubod naman ng tahimik! Sala sa init sala sa lamig. Tahimik na lang tuloy siyang napailing.
Sayang, gwapo pa naman.
Makalipas ng limang minuto, lumabas na rin si Roschi mula sa opisina niya. Inayos lamang niya ang ibabaw ng mesa niya dahil hindi niya matagalan na makalat at marumi ang mga gamit niya. May pagka-obssessive-compulsive kasi siya na hindi na niya nakalakihan. Kaya heto tuloy siya, forever neat-freak.
Pagkalabas na pagkalabas niya ng pinto, nakita na niya ang lalaking naghihintay sa kanya. Pero dahil nakayuko ito at nagbabasa ng magazine, hindi niya ito mamukhaan. Malabo pa man din ang mata niya kapag hindi nakasalamin.
Naramdaman siguro nito na nakatitig siya at bigla itong nagtaas ng tingin at ngumiti sa kanya.
At parang bumagsag ang kaluluwa niya sa lupa at umakyat ulit dahil sa lamig at init na naramdaman niya. Katulad pa rin ng dati. Hindi pa rin siya natututo.
Tumayo ito at lumapit sa kanya.
“Hi, Rose. Long time,” wika nito habang iniaabot ang kamay nito.
Hindi siya makapagsalita. Ni hindi siya makaalis sa kinatatayuan niya. Anong gagawin ko? Kakausapin ko ba siya? Magkukunwari ba akong hindi ko siya kilala? Bakit siya nandito? Bakit siya nandito!
Pinilit niyang kalmahin ang sarili niya. Hindi siya dapat makahalata.
Calm down, Rosch. You can do this.
Iniabot niya ang kamay niya. “Hello,” panimula niya. “My secretary told me you’re an acquaintance of mine. But frankly, I can’t remember you. Have we really met?”
Pagkasabi noon ay agad niyang tinangkang hilain ang kamay niya. Ngunit ayaw nitong bitawan ang kamay niya. nagkunwari na lamang siyang walang pakialam at pinanatili ang nakakasakit sa pangang pekeng ngiti niya.
Pinakatitigan siya nito.
“No, sorry, we haven’t met. But we do know each other.”
Nanlalambot na ang tuhod niya. Pero nanatili siyang tila yelo sa harap nito. Ngumiti pa siya lalo at pinilit bawiin ang kamay niya. hinayaan naman siya nito.
“Is that so…” tila nanghihinayang niyang sabi. “I’m sorry mister..?”
“Mijares.”
“Well, then, I’m sorry Mr. Mijares. But I really can’t remember you. You must be mistaken.” Pagkasabi noon ay tinalikuran na niya ito at naglakad patungo sa outer part ng reception hall kung nasaan ang table ng sekretarya niya, handa ng pagalitan ito.
Ngunit hindi pa siya nakakalimang hakbang ay nagsallita itong muli.
“Im not.”
Napilitan siyang harapin muli ito dahil sa kapangahasan nito sa pagsagot. “I beg your pardon?”
Ngumiti lamang ito. “Mas maganda ka ngayon, Rose.”
Madililm na tinitigan niya ito. “It’s me. Derek.”
At lahat ng pinigilan niyang maramdaman sa loob ng mahigit sampung taon ay parang dam na sumabog at nanatili sa ibabaw ng kanyang kontrol. Ngunit alam niyang wala itong napansin na nagbago sa ekspresyon niya. Matagal na niyang natutunan iyon. Ngunit may mga bagay na sadyang hindi nababago. Hindi nakakalimutan.
Bago ka pa nagsalita, alam ko na…Derek.
Chapter 2
There are things that we choose
To forget as the leaves
Fall from the tainted bough.
But seasons die,
And then are reborn.
“Sa’n ba talaga tayo pupunta, ha, Rose Charlene? Akala ko pupunta lang tayo sa palengke sandali?” anas ng kaibigan ni Rosci na si Katalina habang sinasabayan ang mabibilis na hakbang niya.
“Oo nga, pupunta nga tayo!” halos na paangil na sagot nito sa kaibigan. Buo-buo ang pawis na pumapatak sa gilid ng kanyang biluging mukha dahil ssa bilis ng kanyang paglakad.
“Oh, e bakit para kang nakikipagwalkathon d’yan! Hindi naman aalis ang palengke, anu ka ba!” humihingal na ito kakahabol sa kanya. Mabagal kasi itong maglakad talaga.
“Ganito naman kasi talaga ko maglakad, sira ka ba! Tsaka mabagal ka lang talaga,” natatawang sagot niya sa mga pagmamaktol nito. Hindi niya alam kung matatawa o hindi sa nakakairitang reklamo ng kaibigan niya. Araw-araw ay palagi itong angal sa mga gawi niya. palibhasa kasi ay kung kumilos ito ay parang dalaga na talaga sa edad nitong kinse anyos. Kung tutuusin, mas may karapatan siyang mag-asal matanda dahil mas matanda siya rito ng isang buwan.
“Tomboy ka lang kasi talaga, kamo. Pwede ba, wala ka na sa track and field no! Oy! Maghintay ka nga, bru!”
“Eh ang bagal mo talaga. Late na ‘ko!”
“Huh? Late saan? Parang kalalabas lang po natin ng school, eh no.”
“Eee! Ewan ko nga sa’yo! Mauna na ‘ko sa Netpie, tagal mo.”
“Mag-iinternet tayo?!” shocked na tanong ni Kat sa kaibigan habang mas lumaki ang distansya nito sa kanya. Ang bilis talagang mag-lakad ng bruhang ‘yon!
“Oo. Dali na,” sagot ni Roschi habang papasok na sa isang computer shop. Ilang talampakan pa ang layo sa kanya ni Katalina.
Matapos senyasan ito na magmadali, pumasok na siya sa shop at dumiretso sa counter.
“Internet po.”
“Isa lang?”
“Uh-uh.”
“Dun sa number 40,” tinuro siya nito sa bandang likuran ng shop. “Tom, dun sa 40 ‘to.”
Lumapit sa kanya ang tinawag na Tom ng lalaki sa counter at pinasunod siya sa kinalalagyan ng booth ng computer na na-assign sa kanya.
Sakto naman na bumukas ang pinto at pumasok ang hinihingal na si Katalina. Nakita agad siya nito at nag-belat ito sa kanya bago lumapit sa counter.
“Internet po, open-time,” sabi nito sa desk clerk. “Pwede po yung katabi nung pumasok na babae kanina?”
“Sige.”
Pagkatapos ng ilang segundo, ito naman ang inihatid ni Tom sa booth nasa kanan ng booth ni Roschi. Ngunit ng madaan ito sa likuran niya, nakangiti ito na habang tinutukso siya.
“Siya ‘yan no…” Umupo ito at hinintay magload ang computer niya.
“Hindi ah!” mabilis na sagot niya. Laking pasalamat niya at madilim sa lugar dahil sigurado siyang lalo siyang kakantiyawan nito kapag nakita namumula ang mukha niya.
“Whe…uy, babae na siya,” balik naman nito at pagkatapos ay tumawa ng malakas.
“Sira ulo! Babae naman talaga ‘ko noh! Manahimik ka nga!”
“Asus! Kelan pa?” patuloy na panunukso nito. Tinitigan niya ito ng kanyang “killer eyes” at hinarap na nito ang computer nito.
Laking pasasalamat niya noong tumigil ito. Nahihiya kasi siya. Ngayon lang nga naman siya umakto ng ganito. Hindi talaga siya pala-surf ng net. Paminsan-minsan lang siya gumamit nito—kapag kailangan sa school.
Nag-log in siya sa friendster at kinumbinse ang sarili niya na ‘yun talaga ang gusto niyang gawin. Papalitan niya ng Sailormoon ang background picture niya.
Matapos ng ilang minuto, hindi rin niya natiis, nag-log in siya sa Yahoo Messenger.
Hindi siya pala-YM na tao. Mas marami kasi siyang contacts sa Yahoo Mail kaysa sa Messenger. Lalo pa’t hindi naman siya madalas magnet. Ngunit iba kasi ngayon. May nakilala kasi siya kahapon na interesante kaya siya nagtipid ngayong araw upang makapag-internet.
“Hi there. =)”
“Hello.”
Katulad ng inaasahan niya, online nga rin si saito_slasher ngayon. Dahil kabaligtaran niya, addict ito sa internet. Gamit ang codename niyang black_ash11, nakilala niya ito kahapon. Naisipan lang niyang paglaruan ang YM niya at magjoin sa chatrooms. By fate, nagPM ito sa kanya. And she finds him very amusing as well as bright, kaiba sa mga nagpiPM sa kanya na parang wala lang magawa sa buhay.
Saito_slasher: bakit ngayon ka lang, my labs?
Black_ash11: my lab-in mo yang mukha mo!
Saito_slasher: i2 tlga, di na mabiro! =))
Black_ash11: whe! Sira-ulo ka kc
Saito_slasher: =)) ka2iba ka tlga, ang sungit mo kxe! He3
Black_ash11: eh ano ngaun, masungit tlga q pg baliw kausap q. =P
Saito_slasher: yan ang gus2 q sau eh…astig k!
Black_ash11: tlga!
Saito_slasher: gus2 mong mging gf q?
Black_ash11: ok k lng???
Saito_slasher: oo nmn…ikw gus2 kta.
Black_ash11: yeah, ryt.
Hindi agad ito nagreply. Kinabahan siya. Hindi kaya nainis na ito sa kanya? nakakainis naman! Bakit kasi hindi niya mapigilang magsungit dito? Eh nakikipagkaibigan lang naman yung tao!
CutieKat: sabi na nga b e!
Black_ash11: oh!
Black_ash11: nanjan k!
CutieKat: knina pa! Ikaw lang nmn hindi pumapancn sakn..
Black_ash11: pxenxa..
Cutiekat: sbhin mo mxado ka kcng preoccupyd jan sa saito n yan!
CutieKat: anu dw name nya?
Black_ash11: di ah!
CutieKat: wushu!
CutieKat: kau nb?
CutieKat: anu itsura?
Black_ash11: cra ulo! Bat nmn mgging kme? Eng2!
CutieKat: palusut pa 2 oh. Kau nb?
Black_ash11: makul8 ka rn tlga noh!
Black_ash11: w8 lng
CutieKat: pinaapa2l8 mo nq ngaun.. ka2hurt! Hahahaha
Black_ash11: he!
Kinlick niya ang kabilang YM window. Umilaw kasi ang kay saito_slasher.
Saito_slasher: gus2 nga kta.
Saito_slasher: hey, new gf…
Saito_slasher: stil der?
Saito_slasher: BUZZ!
Saito_slasher: BUZZ!
Saito_slasher: nan mo to. Npkon kb?
Saito_slasher: ui……………………
Saito_slasher: BUZZ!
Black_ash11: sori, d2 pa
Saito_slasher: whew! Kala q iniwn mo nq…=(
Black_ash11: may iba lng aqng kausap.
Saito_slasher: la2ki?
Saito_slasher: pinagpa2lit mo n q? =’(
Black_ash11: gaga, frend q un
Saito_slasher: tlga! Yey! My pgasa p pla q
Black_ash11: he! Musta pla gf mo? K n kau?
Black_ash11: nkipagbati kn?
Saito_slasher: di, xa may kslanan, di xa mkipgaus!
Black_ash11: pride mo tange!
Saito_slasher: tma lng nmn un noh..
Umilaw ang kabilang window.
Black_ash11: yes, dear?
CutieKat: payes dear, yes dear kp jan! uy..
Black_ash11: he!
CutieKat: musta kau?
Black_ash11: aq tao prin aq, ewn q lng xa.
CutieKat: msama k tlga khit kailan noh
Black_ash11: tgal na noh.. snay n nga kau db.. hahaha
Umilaw ang kabilang window.
Saito_slasher: nu pla 22ong name mo?
Black_ash11: kw muna
Saito_slasher: abat matinik tlga… ha3…derek.
Saito_slasher: kw?
Black_ash11: ahh..
Black_ash11: rose.
Saito_slasher: hi rose, I’m jack! Ha3
Black_ash11: engot!
Umilaw ang kabilang window.
CutieKat: girl, alis n tau, gbi na
Black_ash11: aun drek dw name nya
Black_ash11: k w8 lng
CutieKat: ui Derek… o paalam kn sa bf mo! Hahahahahaha
Black_ash11: BALIW!
Lumipat siya sa kabilang window.
Black_ash11: ui nid 2go
Black_ash11: bbye
Saito_slasher: nge!
Saito_slasher: aga nmn!
Saito_slasher: stay kp
Black_ash11: kailngan qn umuwi, gbi n.
Saito_slasher: ah kggling mo lng pla skul noh..
Saito_slasher: nu nmber mo?
Saito_slasher: txt nlng tau
Black_ash11: ah?
Saito_slasher: txtm8s
Black_ash11: ah ok
Black_ash11: hir: 09218821028
Saito_slasher: wow smart k din
Saito_slasher: 0919212155095 sakin
Black_ash11: got 8. k bbye
Saito_slasher: bye =(
Saito_slasher: txt u l8r aftr q d2
Black_ash11: fine.
Naglog-out siya at pinatay lahat ng search engine na nakabukas. Pagkatapos ay tinapik ang balikat ni Kat na patapos na rin. “Tara na.”
Tumayo ito at nginitian siya ng makahulugan. “Uy, Derek! Hahaha!
“He, tumigil ka nga diyan! Tara na!”
“Sige, sige, tara…mapapagalitan na ‘ko nito..”
“Kaya nga, alis na tayo.” Naiwan ko ang cellphone ko sa bahay.
“Owkie….Derek,” sabi nito at pagkatapos ay tumawa ito ng nakakaloko!
“Ewan ko sa’yo,” naiinis na balik ni Roschi at pagkatapos ay nagmartsa ito patungo sa counter. Nakangiting umiiling si Katalina habang sinusundan siya.
Saturday, 15 March 2008
-

Currently Listening
Lips of an Angel
By Hinder
lips of an angel
see relatedi am..
Name: Rosalyn Mae Sto. Domingo y Prudenciado
o6-1136o 2nd yr./BA Communication Research
22 March '9o -- 17 yrs old.
5'4 ft., 110 lbs.
black, long curly hair; dark brown eyes; kind of chinese looking; hindi maputi; hindi maitim.. hahahaha..
______________________________________________________________
i am bad
i am good
but everyone still wonders
who i really am.
i can't say i can help
because i don't know how.
all i know is
dynamic is the word
that can describe me
even in the ambiguous way.
i am a loner
who doesn't wan't being alone.
a lover who
can never love the way they do.
a song with lyrics
many try to understand.
but try as they might,
they can't.
because i'm a lion
in a protective shell.
a bookworm who is
never bookish.
i try to reason,
even for every little thing.
i fight,
but i'm afraid to suffer.
i can kill,
but i'm a healer.
lover of blood,
but never of ties.
a decision maker
who can't decide.
i know myself,
and yet I don't. -

Currently Listening
Modern Minds & Pastimes
Jenny
see relatedwhen faith is strong but love is weak...
A rose
was once perched on a
lively bush, without care
of the world for
the wind is always fresh
that it doesn't damage her
petals.
But then,
a storm came,
With the howling wind
and furious shower
that forever broken the
lovely rose stalked.
it died,
and became black.
Connect
Weblog Archives
About Me
-
your morbid bookworm..



Chatboard (0)